Tuesday, August 7, 2007

PAGMAMAHAL

Bakit kaya minsan ang sarap magmahal kahit walang kapalit??? naisip mo na ba iyon? kala mo okey lang... pero sobrang hirap...

Masarap magmahal hindi ba? Kahit ikaw, hindi ka sigurado sa pag-ibig ng taong mahal na mahal mo... Minsan iniisip mo nalang na pagdating ng tamang panahon magiging maayos din ang lahat... Sana nga!!! Nang hindi ka naman mukhang tanga na umaasa sa wala...

Minsan din ang sarap sarap isipin na minamahal ka ng taong mahal mo!!! yung tipong kayo na lang sana at hindi ang babaeng nakikita mong kasama nya na masaya at akala ang buong mundo ay kanilang kanila...

Minsan din ang sarap bumalik sa nakaraan... yung tipong masaya pa kayo, parang mga batang walang problema... kung meron man parang, against all odds ang settings... pero may nakabitin pa ring tanong... ano kayang nangyari??? pero ang kadalasang kasagutan e:

1. kasi di pala kami para sa isat-isa;
2. Nagkamali ako sa kanya;
3. iniwan lang nya ko ;
4. may iba na syang mahal;
5. niloko lang nya ko;
6. Di ako gusto ng parents nya;
7. ayoko na puro nalang kami away;
8. masyado nya kong sinasaktan;
9. nagsawa na sya sakin;

pero ito pinaka masakit;.

10.hindi pala nya talaga ako mahal (parang panakip butas)

Grabe hindi ba??? Pero kailan kaya natin maririnig na nagpapasalamat ang isang umiibig sa taong nakasakit at sinaktan sya??? minsan naisip din kaya natin na kung ano ang kahalagahan ng isang bagay??? Yung kailangang bigyan ng halaga habang nandyan pa! Minsan kasi, saka lang natin nalalaman ang isang kahalagahan ng isang bagay pag wala na ito sa atin!!!

kaya minsan din isipin natin yung mga sinasabi, kinikilos, ginagawa natin kasi hindi lahat ng tao kayang tanggapin kung ano at paano natin ginagawa ang isang bagay!!! subukan nating magpasalamat sa kabila ng lahat...

A. kung sinaktan ka nya... magpasalamat ka dahil sya ang dahilan para tumibay ka;

B. kung niloko ka nya... patawarin mo at pasalamatan mo... dahil kung hindi sa kanya hindi mo mararamdam ang sakit na pwede ding maramdaman ng iba... at least hindi mo gagawain sa iba;

C. kung hindi ka nya minahal... pasalamatan mo!!! dahil at least kahit papano na-feel mo na minahal ka nya kahit hindi, pasalamat sya dahil ikaw minahal mo sya ng buong buo;

minsan kailangan lang natin harapin kung ano man ang nakasakit sa atin... piliting kalimutan... piliting harapin kung ano ang noon... noon lang yun... iba ang ngayon!!! dahil kung nasaktan ka man noon, ngayon mag-iingat ka na at alam mo na kung ano dapat at hindi para hindi masaktan.

mahalin mo ang mga taong nakasakit sayo dahil sila ang dahilan para maging matibay ka!!!! para sa susunod di kana basta-basta padalos-dalos. pasalamatan mo ang taong nakasakit sayo...

sino ba ang mas mahalaga, ang taong mahal mo o ang taong gusto mong mahalin???ang taong kasama mo buong araw o ang taong iniicip mo bago matapos ang araw???

siya bang kasa-kasama mo sa lahat ng ginagawa mo o siyang dahilan ng lahat ng galaw at ginagawa mo???

sino ba ang mas mahalaga... yung taong nais mong makasama habang buhay o yung taong hindi mo makita ang habang buhay kapag wala siya?

Sino ang mas matimbang... yung taong pag kasama mo'y parang kay bilis ng oras o yung taong tuwing iniicp mo'y parang kay bagal ng oras?

ano ang susundin mo... ang dinidikta mo sa puso mo o ang dinidikta ng puso mo sayo?

sya ba un laging pumapasok sa isip mo o siya yung laging laman ng panaginip mo?

Sino nga ba... ang taong nagpaluha syo, o ang taong nagpunas sa minsang pagluha mo?

Sino sa kanila... ang taong nagpapatawa syo o ang taong dahilan ng lahat ng iyong emosyon?

Sino nga bang pipiliin mo???

ANG TAONG MULING NAGBUKAS NG PUSO MO...

O ANG TAONG MATAGAL NG NANDOON???

No comments: