Thursday, August 16, 2007

JOKES 3 - Host & Contestant

Host: What "N" (narra) is the national tree of the Philippines ?
Contestant: Niyog?
Host: Mas matigas pa diyan.
Contestant: (in a strong-sounding voice) NIYOG!!!
*********

Host: Saan "B" (Bagumbayan) binaril si Jose Rizal?
Contestant: Sa back?
Host: O sige, puwede rin na ang simula ay letter "L" (Luneta).
Contestant: Likod?
Host: Hindi pa rin. Para mas madali, "R.P." ang initials ng modern name nito ( Rizal Park ).
Contestant: Rear Part? (Susmeryosep! Likod pa rin yun!)
************

Host: Saan "B" (beach) tayo madalas pumunta pag summer upang maligo?
Contestant: Banyo?
Host: Hindi, pag pumunta ka doon, maaarawan ka.
Contestant: Bubong?
Host: Hindi, marami kang makikita duong mga babaeng naka-bikini.
Contestant: Beerhouse!
************

Host: Anong "L" (Lifeguard) ang tawag sa tao na sumasagip sa iyo pag ikaw ay nalulunod?Contestant: Lifebuoy?
Host: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang pangalan ng ito.
Contestant : Safeguard?Host: Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.
Contestant : Safe Buoy?
Host: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang katawan.
Contestant: Ah, Mr. Clean!
************

Host: Anong "S" (Salbabida) ang ginagamit na flotation device sa dagat upang hindi ka malunod?
Contestant: Sirena?
Host: Hindi! Hindi ito babae.
Contestant: Siyokoy?
Host: Hindi ito lalake.
Contestant: Siyoke?
Host: (sampalin ko kaya ito?)
************

Host: What "S" (Sampaguita) is the national flower of the Philippines ?
Contestant: Sunflower?
Host: Hindi. Binebenta ito sa kalye.
Contestant: Stork?
Host: Hindi. Bulaklak sabi eh.
Contestant: Sitsarong bulaklak?
Host: Hindi pa rin. It ends with a letter "A".
Contestant: Sitsarong bulaklak na may suka?
Host: Oh, para madali, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko pa!
Anong pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa "S", nagtatapos sa letrang "A", at kapangalan ng isang sikat na singer?
Contestant: Si...Sharon Cuneta!
************

Host: Sino ang national hero na naka-picture sa 500 Peso bill? Clue, may initials na N.A. (Ninoy Aquino)
Contestant: Nora Aunor?
Host: Hindi. Ang pangalan niya ay nage-end sa "Y".
Contestant: Guy Aunor?
Host: Hindi. Dati siyang Senador.
Contestant: Si Former Senator Guy Aunor?
Host: Hindi. Patay na siya.
Contestant: ANO??!! PATAY NA SI NORA AUNOR???!!!
*************

One more dagdag:
Host: What "K" (kalabaw) is the national animal of the Philippines ?
Contestant: Kuto?
Host: Hinde. Clue, it tills the land.
Contestant: Kutong Lupa!
(Bweset!)

1 comment:

Anonymous said...

bakit hindi:)