#MyIdeaAboutRegrets
For the past few months, di ko na mabilang kung ilang friends, relative ng friends, partners, at friends ng friends ang nawala.
For the past few months, di ko na mabilang kung ilang friends, relative ng friends, partners, at friends ng friends ang nawala.
Ang bigat sa loob everytime we say condolences at pakikiramay. Di mo na nga mapuntahan dahil sa pandemic, di mo rin mayakap at masabi ng personal na nandito lang kaming mga kaibigan mo.
May isa akong friend na sobrang nasaktan sa pagkawala ng kanyang minamahal. Isa sa tinanong ko sa kanya, Do you have regrets?
Di ko sasabihin sagot nya sakin. Pero madalas kasi, nagsisisi tayo sa mga pagkukulang natin kaso wala nang chance para bumawi.
Naisip ko lang kanina, may mga bagay na wag na sana natin pagtalunan kagaya ng hair tonic na di naman natin kailangan talaga. Kahit wala nyan, basta masaya tayo. We should have saved the moment kasi di natin alam bukas, makalawa kung nandito pa.
Pero ganun pa man, magmahal pa rin tayo. Do things from love, not for love kasi hindi natatalo ang nagmamahal. Sya, hindi ikaw ang mawawalan ng tunay na nagmamahal. Kaya let your love tank overflow. Patuloy lang tayo magmahal as if hindi tayo nasasaktan.
Dadating ang time na mare-realize mo na may dahilan ang lahat. May dahilan ka para mag-smile. Kaya nung nabasa ko unang comment sa YT account ko, wow, nakakakilig naman na meron ganyan. Enjoy lang natin ang life. Chill and good vibes. 😊
Mahal ka nun. Ako, alam ko. Hugs. Mahigpit. ❤️
No comments:
Post a Comment