Friday, July 10, 2020

Further Away

One month na ako dito.
Initially, umalis ako ng bahay thinking na babalik ako in a week's time.
I packed my bag with 1 pair of pants, 3 shorts, few shirts, boxers and my office stuff.
After a week, madami pa ako gagawin then maulan, may gagawin ulit kaya nandito pa rin ako.

Kaya ko pala mabuhay na eto lang gamit ko.
Kelangan ko lang dagdagan ng iba pang gamit for another week or two, the rest I can giveaway na para simple lang at payapa.

Pero wag ka, dumating ang araw na mukha na akong dugyot or siguro pinaramdam sakin na ang pangit pangit ko. Nakaka-depress pala yun.
Kung may oras lang ako umuwi, binitbit ko na mga pang flex ko pero hindi eh.
Tao lang po. Nag panic buying ako, lahat ng maganda pag tiningnan ko sa salamin, binibili ko. "I can buy you and this and this.." Ganern ang drama.

Sabi sakin ni mamames, lumabas ka muna Vic, lumayo ka, isigaw mo lahat ng sama ng loob at wag ka manunuod ng anything na malungkot. Pero guess what, napadpad ako sa North at pumila para manuod ng Hello, Love, Goodbye. ❤️

Pagkatapos, eto naglalakad, tumatakbo at patuloy lang palayo nang palayo. Hanggang sa di mo na makita ang mga mabigat sa pinagdaanan mo. Matitira lang ang mga bagay na kayang bitbitin ng iyong buhay.

#ZenLife #ShareMoLang

No comments: