Thursday, August 30, 2007

jokes 4

Kodigo

Nahuling may kodigo ang estudyante.. .
Guro: Ano 'to?
Estudyante: Prayer ko po, ma'am!
Guro: At bakit answers ang nakasulat?
Estudyante: Naku! Sinagot na ang prayers ko!

Alimasag

Nakaamoy si Ngongo ng pabango sa isang store.
Sabi ni Ngongo, "Ale, mango!"
Sabi naman ng saleslady, "Pabango 'yan, hindi alimango!"
Ulit ni Ngongo, "Ale, mango!"
Nag-agawan si Ngongo at ang saleslady sa pabango. Nahulog ang pabango at nabasag.
Sabi ni Ngongo, "Ale, masag!"

GMA

Dumalaw si GMA sa mental hospital...
Dok: Let's welcome President Arroyo!
Pumalakpak lahat ng pasyente maliban sa isa na nasa sulok...
GMA: O, dok, bakit 'yung isa, hindi pumalakpak?
Dok: Ma'am, magaling na po siya!

Plantsa

Dok: Anong nangyari sa mga tenga mo?
Joshue: Nagpaplantsa kasi ako nang kumiriring ang telepono.Aksidenteng na-pick up ko 'yung plantsa.
Dok: Eh bakit dalawang tenga mo ang nagkaganyan?
Joshue: Ang gago, tumawag uli!

PALIMOS

Pulubi: Boss, palimos po.
Tonyo: Iinom ka o magyoyosi?
Pulubi: Wala po akong bisyo.
Tonyo: Okey. Sumama ka sa akin para malaman ng nanay ko ang nangyayari sa taong walang bisyo

ALITAPTAP

Anak: Tatay, hindi ako makatulog, kasi, maraming lamok!
Tatay: Papatayin natin ang ilaw para hindi tayo makita.
(Pagpatay sa ilaw, dumating ang mga alitaptap... )
Anak: Hala ka, Tatay, nagdala sila ng flashlight!

SIOPAO

Kulas: Miss, isa ngang siopao, 'yung babae.
Waitress: Babaeng siopao???
Kulas: Oo. 'Yung may papel na sapin. Kumbaga, napkin.
Waitress: Ahh, ganun po ba? Lalaki po ang nandito.
Kulas: Lalaki??????
Waitress: May itlog po sa loob.

MRS: sa palagay mo, mahal, ilang taon na ako?
MR : kung titignan kita sa buhok 18 ka lang; kung nakatalikod 16 lang, kung sa kutis 22 lang. Baletotal ay 56 sweetheart.

Spanish teacher: Class use 'fuera' in a sentence.
Student: Mis maestras son bonitas (my teachers are beautiful).
Teacher: Oh, that's very flattering but where's 'fuera'?
Student: Fuera ka!

PERFECT HEAVEN: Having American salary, British home, German car, Chinese food, and Pinoywife!

PERFECT HELL: Having Korean car, British wife,German food, American home and Pinoy salary!

Bobo: pare hulaan mo ugali ko, nagsisimula ng letter A
Pare: approachable?
Bobo: mali
Pare: amiable
Bobo: mali pa rin
Pare: o sige, sirit na ngaB
obo: Anest

1 binatilyo pumasok sa isang gay bar. Nalaman ng nanay niya at nagalit
Nanay: ano naman ang nakita mo dun na di mo dapat makita?
Binatilyo: si Tatang po gumigiling.

Bush: What are the pollutants in your country?
Jingoy: We have lots of pollutants.. ..we have sisig, kilawin,chicharon,mani
Erap: Anak, may nakalimutan ka, Boy Bawang (cornik).

Tindero: Hoy, bili ka gatas ng baka? P10 piso lang isang baso
Manong: Ang mahal naman, may tig piso lang nyan?
Tindero: Meron po, pero kayo na po ang dumede sa baka.

Pasyente: Dok, bakit po ganito ang operasyon sa ulo ko? Halos kita na utak ko
Doctor: Ok lang yan, yan ang tinatawag na open minded.

A naked girl rode on a taxi
"Bakit" asked the girl at the driver na nakatitig sa katawan nya
"Ngayon ka lang ba nakakita ng hubad?"
Driver: "Hindi po miss, iniisip ko lang kung saan nakatago pamasahe mo"

Wife shouting.... . "Honey mag-impake ka na, nanalo ako sa lotto"
Husband: "Wow, anong dadalhin ko?"
Wife: "Wala akong pakialam basta lumayas ka na"

Pare 1: 'Pare, magkaiba medyas mo, isang pula at isang azul'
Pare 2: 'Ewan ko nga kung saan nabili ng misis ko ito. May isa pa nga akong pares na ganito rin and kulay sa bahay'

Beauty contest.....
Emcee: What's the big problem facing the country today?
Contestant: Drugs
Emcee: Very good, why do you say that?
Contestant: Ang mahal kasi eh!

Doc: Ano trabaho mo hija?
Girl: Substitute po
Doc: Hindi kaya prostitute?
Girl: Hindi po, mama ko po ang prostitute at kung may sakit siya ako po yung substitute.. ..

Guro: Sino si Jose Rizal?
Juan: ' Di ko po kilala.
Guro: Ikaw, Pepe, sino si Jose Rizal?
Pepe: Di ko rin po kilala.
Guro: Di niyo kilala si Jose Rizal?!
Pedro: Ma'm, baka po sa kabilang section siya

No comments: